Pages

Thursday, May 30, 2013

The FPJ Experience: Ang Dalubhasa (2000)

Saturday (several years ago)... 

Naglalakbay kami papuntang Tayabas, Quezon.. katabi ko ang auntie ko.... ang haaaaaaaaabaaa haba ng lakbay, muntik ng maubos ang battery ng mp3 ko, at nawala na rin ang antok ko,  hindi parin kami nakakarating sa paroroonan namin... 


pasulyap sulyap ako sa pelikula na pinapalabas sa bus... ayan may bagong dvd na inilagay si Manong Konduktor.. 

Oh gosh.... Pelikula ni Fernando Poe Jr.....Ang Dalubhasa (i-click ang link para sa buong pelikula)
sigh.... at ako'y tuminging muli sa bintana, binibilang ang mga buko at puno ng saging na dumaraan..... pero panaka-naka rin akong sumusulyap sa telebisyon, dahil kahit mahilig akong tumingin sa mga puno aba eh nagsasawa din ako sa libo-libong buko sa paningin ko.. at heto na nga hindi ko na namalayan na nakatutok na pala akong nanonood at nasabayan ko na ang kwento at inaabangan ng paunti-unti ang mga eksena.....

.... At ayan na ang climax! Sagupaan ni FPJ at ang kalaban niya na pumatay sa kanyang pamilya..... Wala ng bala si Kontrabida.... na-corner na siya ni FPJ.... 

talagang ramdam ko na ang excitement.... napansin ko din si Auntie Ming na nakatingala sa TV, naka-kunot ang noo, parang nagbo-board exam kung makapag-focus. Nakalimutan niya ang mahilo-hilo at masuka-sukang pakiramdam dahil sa biyahe na inirereklamo niya bago mag-umpisa ang pelikula...

ayan na... tinutok na ni FPJ ang baril na may kasamang dialogue na "Walong taon, apat na buwan, tatlong araw hinintay ko ang oras na ito"... ng biglang "PIYUNG!" ... Umeksena ang isang goon ni Kontrabida, nabaril si FPJ!! Tumalsik ang baril niya palapit kay Kontrabida! OMG!!!


Babarilin pa ata siya ni Goon, ngunit buti nalang dumating si Pekto, ang side kick ni FPJ.. at binaril si Goon!

Ngunit ang baril, nandoon sa may sulok!!! nagkatinginan si FPJ at si Kontrabida... sabay tingin sa baril.. Naunang tumakbo si Kontrabida,, ayan malapit na sa baril!!!

"AY!! DALI FPJ!!!!" ang sabi ko sa sarili ko!

Nang biglang huminto ang bus!! at saka nagsitayuan ang mga tao na nasa harapan namin! Walang biro.. talagang tayuan, kuhaan ng bag.... yung isang lalaki sa harapan ko na naka-afro ay talagang tinakpan ang buong screen ng tv ng buhok niya.

at nakakahiya man aminin, pero kasabay ng pagsitayuan ng mga biyahero sa harap namen, ay sabay din kami ni auntie ming sa pagtaas ng leeg to the left para lang makita ang eksena sa tv!!!

"ARU! KENG NEPAMONG MASANTING A PART!!" (Naku! Nasa magandang part na pa naman!) ..... At bago ko pa napigilan ang sarili ko, ay nasambit ko na nga ang mga katagang ito.. Buti nalang hindi nakakaintindi ng Pampango ang mga ibang passengers, kasi medyo nahiya ako sa reaction ko. ang OA. hahahahah

Pero narinig ko naman ang sigaw ni FPJ.... "PEKTO, ANG BARIL!!" sabi niya kay Berting Labra, at inihagis na nga nitong sidekick ang hawak niyang baril, at nasalo ito ni FPJ! siyempre. action star eh. kung si Vic Sotto lang ito ay didiretso pa ito sa noo niya at mahihilo.. siyempre. komedyante eh..anyway, wala ng nakaharang at sakto, nasaksihan ko ang pagsalo ni FPJ at dali dali niyang pinaulanan ng bala si Kontrabida....



YES!! 



Moral lesson: Walang magaling na bida, kung walang maliksing side-kick.

Talagang natawa ako sa linyang ito:  "I'm a GOOD doctor. A DAMN GOOD DOCTOR!!", sabi ni Ricardo Cepeda with his pinoy-english accent. =D




*  *  *  *  *


Ano ang paborito mong pelikula ni FPJ?




I appreciate and welcome opinions/comments. Please LIKE & Rate, Share or Follow my blog, it may not change the world but it will change mine LOL :)

Follow me on Tumblr! Ravings of a Madwoman
To my fellow bookworms, add me on Goodreads: Lucresia Strange

No comments:

Post a Comment