Pages

Monday, January 6, 2014

Nag-PAGPAG ka ba? (Siyam na Buhay na walang kabuhay-buhay)

"Hindi ba ako mukhang seryoso?? Mukha ba akong natatawa??" Yan ang maangas na sabi ni Daniel Padilla, a.k.a. Cedric the action star, sa kanyang feeling girlfriend. "HINDI. MUKHA KANG KAHOY." ang buong bitterness ko na pagbulong sa katabi ko. Ewan ko kung anong meron ang batang ire at bakit ubod siya ng sikat. First time ko siyang napanood at isang salita lang ang gustong sambitin ng aking mga mapupulang labi.... WORKSHOP. Halatang idol na idol si Uncle Binoe at kung makapag-jacket wagas (baka may supply galing kay Willie). Hinihintay ko na nga lang na mag-vest siya ala-Maging Sino Ka Man. O_O

Mapapalampas ko pa sana ang napakawalang kwentang acting ni Daniel kung maganda ang pelikula. Pero hindi eh. Ang sakit. Ang sakit sa ulo. 

Halos buong cast gusto kong itapon sa bangin sa katawa-tawang acting. At least si Kathryn Bernardo may talento naman. Si Janus Del Prado consistent sa pagiging lasssheng, in fairness sa kanya. Pero kahit na mahusay si Janus sa ginampanang role, parang sumobra naman ang pagiging comic relief niya at tila nakalimutan na ata ng director na horror movie ito. Medyo nagcaclash lang kasi ang ibang eksena sa biglang pagpapatawa ni Tsong. Di bale, kahit naman hindi siya magpatawa, hindi talaga kaseryo-seryoso itong pelikulang ito. Gusto kong ipagpag ng ipagpag na para bang nagdidikitang dandruff sa itim kong blouse.

Sa kabilang banda, pansin ko rin naman na maganda ang cinematography at pagkaka-edit ng pelikula. Ayos din na hindi puro CGI ang ginawang effects, maliban na lang sa pagkarami-raming fake na usok na halatang nag-enjoy gawin ng Special Effects dude (tribute siguro sa usok ng Maynila). Hindi rin boring ang galaw ng camera unlike sa mga typikal na pinoy movies na sukat ang bawat anggulo. Mala-indie kumbaga, pero hanggang dun nalang yon. Ito ang pelikula na hindi ako napasigaw sa takot. Sa tawa (hindi dahil sa nakakatawa), oo. Sa yamot, malamang. Kahit pagkagulat man lang wala. Paano ka naman matatakot eh halos kulay blue na ang mga multo. Smurfs lang? Parang multong pang-Vic Sotto na movie. Nakakatawa.

Hinding-hindi sumagi sa isip ko na sasabihin ko to, pero sa kalagitnaan ng pelikula sinabi ko sa kaibigan ko na "Parang na-miss ko tuloy si Kris Aquino sa horror movies." At yun guys ang sukdulan. Naglolokohan na lang ba tayo tuwing film festival? Umaasa na lang ba talaga ang mga producer sa mga mang-mang na trip ng masa tuwing kapaskuhan at forever na lang ba tayong nanakawan ng nakolektang aginaldo? Ewan ko kung bitter lang ako o OA lang ang mga nanonood pero talagang sigaw kung sigaw at halakhak sa mga "scare tactics" at punchlines ang mga nanonood habang kami naman ng mga kaibigan ko tingin ng tingin sa orasan. Ewan talaga.


Mabuti na lang talaga at libre lang kaming nakanood (una sa lahat hindi naman ako magbabayad ng P140 para sa basurang MMFF line up na to) - salamat sa complimentary tickets na bigay ng asawa ng boss ng kaibigan ko na galing ata sa mayor (ewan ko kung si Erap o kung sino pang Ejercito na mayor) na ewan ko ba kung nanay niya o tatay. Basta. Thank you. At thank you Ate Tess (na hiyang-hiya makitang pumipila sa ticket booth ng MMFF movies) dahil napasaya mo kami sa mga donya expressions mo, at Kris para sa pag-imbita mo sa amin sa unforgettable movie experience na to.

My Rating: 0.5/5 (o sige na nga 1/5 na. Para sa teknikal na aspeto) - Horror ang ine-expect ko pero comedy pala ang pinasukan namin. Siguraduhing mag-pagpag pagkatapos ninyong manood nito. Baka buong taon sumunod sa inyo ang multo ng mga walang kwentang pelikula.




LIKE, Share or Follow my blog, it may not change the world but it will change mine LOL :)


Follow me on Tumblr! Ravings of a Madwoman
To my fellow bookworms, add me on Goodreads: Lucresia Strange

2 comments:

  1. Go produce and direct your own movie. Im sure it will be a hit.

    ReplyDelete
    Replies
    1. thank you for the very intelligent response Cherry lol :)

      This movie is a waste of time in my opinion, plain and simple. If it's Citizen Kane for you, then so be it. We all have different opinions.

      Thank you for taking your time in reading this post, and again, this movie sucks rat's ass. LOL.

      Delete