Pages

Sunday, November 23, 2014

BOOK REVIEW: Responde by Norman Wilwayco

Labindalawang maiikling kwento ni Norman Wilwayco na nagbigay sakin ng iba't ibang emosyon. Labindalawa ring beses winarak ang puso ko. Labindalawang istorya ng iba't ibang klaseng kaadikan, kahalayan, kabastusan, kawalan ng dignidad, kahindik-hindik, at kamulat-mulat na mga kwentong Pinoy. Welcome to the dark side.

Author:  Norman Wilwayco (Iwa)
Year published:  2012
# of pages:  246
Country/Language:  Philippines (Filipino)


*     *     *

1. Drug War
3.5/5
Akala ko kung ano ang positive. Tragic pero nakakatawa. Magugustuhan ito ni Bob Marley. Hithit pa ng damo! Yan ang solusyon at magsasalba sayo sa buhay. Buti pa ang adik sa damo may sariling mundo basta may sinisindihan, pero ang taong mapanghusga ay mas malalang klase ng nilalang. Dito ko rin nakita ang paborito kong linya - "Ano'ng aasahan mo sa mga reaksyonaryong bobo?"


2. ASIN LIVE!
5/5
Ibang klase. Dreams crushed by your parents. Quitting before failing. Failing because of quitting. Lumbay. Naiyak ako.
"Sa pagbalik natin sa memory lane, susukatin at panghihinayangan natin ang mga pangarap na binaril at pagkakataong pinalampas, at tutuklasin natin kung kailan tayo nagsimulang tumanda, kung kailan tayo bumitiw sa mga paniniwalang bakal na sinusunod natin dati..."

3. Larawan
3.5/5
Ok lang. Kahapon nawala ko ang larawan ng dati kong terror teacher noong elementary. Sana ayos lang sya.


4. Dangal
4/5
Hinayupak. Ano nga ba ang meron ang pera at sex at kung bakit yan ang nagpapa-ikot sa mundo? Kasama ng pride na sya rin ang ikakabagsak ng isang tao.


5. Kung paano ko inayos ang buhok matapos ang mahaba-habang paglalakbay.
4.5/5
Na-feel ko ang saksak. Na-imagine ko si Leonardo di Caprio at si Hans Zimmer naman sa background. Ganon ka-intense.


6. Dugyot
4/5
"T*ng-in@, maghapong pinagpaguran, ipambibili lang ng droga. Yan ang tunay na Pinoy, walang pakialam sa kinabukasan!"


7. Imat
4.5/5
Isang masalimuot na kwento ng isang buhay na nawasak dahil sa kagarapalan ng mga lalake na alisan ng dignidad ang isang babae para lamang sa panandaliang ligaya. Eto rin ay para sa mga taong may dinadalang bigat sa isip at puso na kailanma'y di malilimot. Ang tinding epekto ang binigay sakin ni Imat bilang ako'y isa ring babae. Langhya ka Iwa, ba't ang galing mong tumusok sa puso?


8. Kahon
4/5
Gusto kong lumabas sa kahon. Pero mahirap diba?


9. Mga Bagay na Wala Kami
3/5
Ito siguro ang pinaka-hindi ko masyadong na-enjoy, hindi dahil pangit ang pagkakasulat, kundi dahil ipinakita nito ang pinaka ayokong aspeto ng realidad sa mundo. Na ang mga lugmok sa kahirapan ay kadalasang hindi tinatratong tao ng mga mayayaman, politiko, o kahit na ordinaryong mamamayan na angat lang ng konti sa mga pobreng walang magawa sa buhay kundi ang umasa sa kawanggawa ng iba. Naiinis ako dahil alam kong nangyayari ito sa bawat sulok ng mundo. 


10. Pulutan
Sobrang sakit mabasa ang isang kwento na nagdedepikto ng karahasan sa hayop lalo na kung mas mahal mo ang mga ito kaysa sa tao. Hinukay ng kwentong ito ang matagal ko ng binaon sa limot na mga karanasan na nasaksihan ko noong bata ako - noong usong-uso pa ang kaswal na pagpatay sa mga alagang aso para gawing pulutan ng mga lasenggo. Leche. Wala akong ibibigay na rating. Buset.


11. Tony Heart Floren
5/5
Kinilig ako ewan ko kung bakit. Kabog ang Marvin-Jolina tandem or Bobby-Angelu loveteam sa pagka-nostalgic nitong istoryang ito. Kinabog din ang Paraluman ng Eraserheads sa pagbibigay ng balik-tanaw "feels" sa mga readers. Ito ang pinaka light read sa buong libro para sakin.


12. Trip Kong Lumipad
4.5/5
Ewan ko ha, pero medyo nihilistic ang dating nito sakin. Nung una inisip ko, bakit kaya ito ang ginawang finale ni Iwa sa kanyang libro eh parang napaka-"safe" ng kwento. Wala masyadong impact kung ikukumpara mo sa ibang wasak/bastos/nakakabiglang mga naunang kwento niya. Feeling ko nga pagkasara ko ng aklat eh nakalimutan ko na kaagad ang kwento ni Jack at Ton. Pero pagkatapos kong himay-himayin ang lahat eh napaisip ako. Tipong, teka, langhya - iba ka Iwa, iba ka. Pagkatapos tayong bastusin at warakin ang kamulatan sa mga naunang 11 na kwento, eh bibigyan tayo ng ganitong istorya na sa panlabas na anyo eh parang malamya ang dating. Pero hinde, kumbaga sa asong may rabies eh titirahin ka ng tahimik, kakagatin sa pwet habang nakatalikod. Na hindi natin namalayan na sa pagtatapos ng mundong hinabi ni Iwa, pagsara ng aklat, eh bibigyan tayo ng isang emosyon na may matinding tama satin - na magiging dahilan na kung bakit hinding hindi natin makakalimutan ang librong ito. Na matapos nating pagdaanan ang mga masasaklap na karanasan ng mga karakter dito ay bibigyan tayo ng isang pasimpleng mensahe. Bakit nga ba natin kailangang maglinis ng bahay? Dig mo?

*     *     *


Kadalasan sa mga ganitong klase ng babasahin (Phil. Lit) ay may halong socio-politikal kaya pilit kong iniiwasan sa kadahilanang gusto kong magbulag-bulagan sa mga katotohanan na nangyayari sa ating bansa pero hindi ako nagsisisi na binuklat ko ang libro ni Iwa. Dahil dito parang gusto ko pa iexplore ang literaturang Pilipino, lalong-lalo na ang mga akda ni Norman Wilwayco.

Ang aking rating:  4.5/5 - Ito lang ang masasabi ko sa RespondeWASAK NA WASAK.

(Photo courtesy of Miche R.)
Sila ang mga kasabay kong bumasa at napa-mura sa 
bawat pahina at titik na tagos hanggang kaluluwa.




Check out MY ULTIMATE BOOK BUCKET LIST or the books I wanna read before I die!

Thank you for reading! :) Like/Share this post or Follow my blog (I'll follow yours back) and don't forget to leave a comment below, let's talk!

You can also follow me on:
Goodreads: Lucresia Strange
Letterbox'd:  lucresiastrange
My personal blog: Ravings of a Madwoman


5 comments:

  1. tol, salamat sa oras mo. sana ma-digs mo rin ang iba ko pang shit. gusto sana kitang padalhan ng mga pdf kaso di ko alam kung ano email mo.

    sa uulitin!

    ReplyDelete
  2. ps. pwede ko ba i-post to sa fb page ko?

    ReplyDelete
  3. sir pwedeng pwede po =D at gusto ko talaga mabasa iba mo pang books, actually lahat haha!

    ReplyDelete