Pages

Sunday, February 1, 2015

BOOK REVIEW: Walong Diwata ng Pagkahulog by Edgar Calabia Samar

"Mahaba ang kuwento ni Teresa, paulit-ulit, paikot-ikot, gaya ng alon sa dagat na biglang tataas at huhupa, subalit maya-maya'y muling magbabalik ang bangis, ang galit, damang-dama kahit ng mga nag-aakalang nasa dalampasigan, nasa pampang na sila."

Ganyan na ganyan ang pwedeng kong sabihin sa librong ito ni Sir Egay Samar. Paikot-ikot, pasikot-sikot. Akala mo ang simple lang, pag minsan ang lalim... akala mo ang obvious, pag minsan nakakalito... akala mo boring, pero teka, asan na ba ako? Ayan nawawala na ako.

Author:  Edgar Calabia Samar
Country:  Philippines
Language:  Filipino
# of pages:  232
Year published:  2008
(English translation:  Eight Muses of the Fall)
Aaminin ko, sa unang parte ng libro ay naging mahirap talaga para sakin. Pag minsan parang zombie na lang ako na nakatingin sa mga letra at salita, parang robot na automatic ko na lang na iniiscan ang mga linya. Pero dahil ang isang bookworm ay may konsiyensya sa pagbabasa, heto't uulit-ulitin ko ang mga paragraphs, pag minsan mga pahina. Nahirapan akong sakyan ang flow. Hindi dahil mahirap intindihin (ang ibang mga salita oo. Lalim men!) kundi dahil disjointed. Putol-putol dahil nga binabagtas mo ang kwento kung saan ang iyong guide ay medyo naliligaw din ng landas. Sa una medyo wala akong amor sa bida - si Daniel. Ilang beses ko rin naramdaman ang yamot dahil sa pagkahaba-habang mabulaklak na prose na hindi ko naman alam ang mga nangyayari. Frustrating ang unang 60 pages ng libro para sa akin.

Pero pagkatapos nun, nag-iba na ang takbo ng istorya. Di ko alam ano ang nangyari, pero tuloy-tuloy ko na syang binabasa. Pag minsan ay mararamdaman ko parin ang panandaliang inip. Tipong "jusko andami mong satsat Daniel walang kwenta ang sinasabi mo!", pero tulad ng alon sa dagat, hahampasin ulit ako ng isang matinding "feels" at madadala ulit ako sa dagat ng mapaglarong panulat ni Egay.



Pinoy Murakami. Naiinis ako na sobrang daming references lalo na kay Murakami. Sa mga ibang libro ay nag-eenjoy talaga ako kapag may nababasa akong pamilyar na kanta o awtor na binabanggit, pero dito, medyo naumay ako. Ewan ko bakit. Siguro dahil sa sobrang daming beses na may references or quotes, ay parang nawawala ang bilib ko sa may akda dahil pakiramdam ko ay wala siyang orihinal na ideya. Feeling ko puro hiram sa mga ibang pilosopo tasyo at mga manunulat.

Kinabog ko si Darna dahil nilunok ko lahat ng maling akala ko. Binabawi ko ang mga huli kong sinabi. Peace na tayo Ding.

Natatawa ako sa sarili ko kasi 3/4 ng libro ay desidido ako na bibigyan ko ng ratings na 3/5 stars sa Goodreads ang Walong Diwata. Sabi ko pa maswerte na yan sa 3. Dapat 2.5 lang. Umabot ako ng pahina 185, nagbago isip ko. Sabi ko, shet. 3.5 na sige. Heto yung moment na gusto kong basahin ulit mula sa simula. Alam ko maraming magbabago. Marami akong na-miss, at marami akong mas maaappreciate. Tuloy sa pagbabasa, at unti-unti na namang bumababa ang ratings ko. 3 stars ulit. Taas-baba, taas-baba. Para bang sinasadya lang ng author na bwisitin ako.

Gusto ko ng tapusin. Parang may mala-tiyanak na majika ang librong ito dahil hindi matapos-tapos. 3/5! 3/5 na nga sabi eh! Hanggang narating ko ang huling pahina. Leche. 4/5 ang "feels". 

Unfair kay Egay na sabihin ko na boring ang libro niya. Sa hinaharap, balak kong basahin ulit ito at hihimayin ng mabuti. Siguro hindi lang talaga ako sanay sa mabulaklak na panulat, lalo na't sa wikang Filipino. Pero gaya ng sinabi ko, ang mga huling chapters ay wasak na wasak. At mas gets ko na kung bakit di ako masyadong maka-konek kay Daniel. Kasi..

"Kagaya ng sinabi ko, karamihan sa kanila, nagiging dakilang manunulat. Pero hindi na rin sila ganap na ganap na tao, kaya marami sa kanila, bagaman nabubuhay sa mundong ito, parang laging wala ang espiritu, ang diwa, ang isip. Parang laging lumilipad sa kung saan."

Sadyang ganon ang karakter, parang unsympathetic, parang nandiyan pero wala. Kasi nga ganon talaga. Yun na lang ang gusto kong paniwalaan.

Anak ng diwata si Sir Egay. Ibang klase siyang mag-habi ng kuwento at maglaro ng mga salita. Pagkatapos ka niyang paikut-ikutin sa kanyang pinagtagpi-tagping kwento eh saka ka niya gagaguhiiiiiiinnn, oh diyos ko! --- este, saka ka niya itutulak sa bangin. Sa bangin kung saan makikita mo ang kabuuan ng misteryo ng universe.

Basta. Binawi ng ilang huling chapters ang so-so feel ko sa libro. Magaling, magaling.

My Rating:  3.5/5 (4 sana, pero 3.5 na lang muna sa ngayon) -Kung tinangka mo itong basahin at kagaya ko ay parang feeling mo hindi mo ito maeenjoy, inuudyok kita na ituloy mo lang ang pagbabasa. Baka magbago ang isip mo. Sa huli, magustuhan mo man o hindi, kakaibang reading experience ang ibibigay sayo ng librong ito, panigurado.




Check out MY ULTIMATE BOOK BUCKET LIST or the books I wanna read before I die!

Thank you for reading! :) Like/Share this post or Follow my blog (I'll follow yours back) and don't forget to leave a comment below, let's talk!

You can also follow me on:
Goodreads: Lucresia Strange
Letterbox'd:  lucresiastrange
My personal blog: Ravings of a Madwoman

2 comments:

  1. I must confess, mahina talaga ako sa pagbabasa ng mga story na Filipino ang salita. Elementary pa lang mahina na ko sa subject na to. Kahit nung High School, nung naging teacher ko ang Tatay ko, nagpursigi akong matuto pero wala pa rin. Kaya nakakatuwang basahin na naenjoy mo ung librong ito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. honestly, hindi ko na-enjoy ang first half or even two-thirds ng book. I just kept on going dahil BOTM siya and gusto ko malaman ang mangyayari. Pero the last few chapters changed everything. Like you, hindi rin ako sanay magbasa ng mga tagalog books, iilan pa lang talaga ang nabasa ko pero this year I plan to read more. Dahil na rin sa Book Geeks kaya ako naengganyo. iba yung feeling, sa una mahirap talaga makuha yung flow lalo na sa malalim na tagalog. Pero worth it, kasi ang sarap sa feeling na meron nga talagang magagandang phil lit na dati iniisnab ko dahil sa lenggwahe.

      Salamat sa pagbasa! =D

      Delete