Sunday, February 1, 2015

BOOK REVIEW: Walong Diwata ng Pagkahulog by Edgar Calabia Samar

"Mahaba ang kuwento ni Teresa, paulit-ulit, paikot-ikot, gaya ng alon sa dagat na biglang tataas at huhupa, subalit maya-maya'y muling magbabalik ang bangis, ang galit, damang-dama kahit ng mga nag-aakalang nasa dalampasigan, nasa pampang na sila."

Ganyan na ganyan ang pwedeng kong sabihin sa librong ito ni Sir Egay Samar. Paikot-ikot, pasikot-sikot. Akala mo ang simple lang, pag minsan ang lalim... akala mo ang obvious, pag minsan nakakalito... akala mo boring, pero teka, asan na ba ako? Ayan nawawala na ako.

Author:  Edgar Calabia Samar
Country:  Philippines
Language:  Filipino
# of pages:  232
Year published:  2008
(English translation:  Eight Muses of the Fall)
Aaminin ko, sa unang parte ng libro ay naging mahirap talaga para sakin. Pag minsan parang zombie na lang ako na nakatingin sa mga letra at salita, parang robot na automatic ko na lang na iniiscan ang mga linya. Pero dahil ang isang bookworm ay may konsiyensya sa pagbabasa, heto't uulit-ulitin ko ang mga paragraphs, pag minsan mga pahina. Nahirapan akong sakyan ang flow. Hindi dahil mahirap intindihin (ang ibang mga salita oo. Lalim men!) kundi dahil disjointed. Putol-putol dahil nga binabagtas mo ang kwento kung saan ang iyong guide ay medyo naliligaw din ng landas. Sa una medyo wala akong amor sa bida - si Daniel. Ilang beses ko rin naramdaman ang yamot dahil sa pagkahaba-habang mabulaklak na prose na hindi ko naman alam ang mga nangyayari. Frustrating ang unang 60 pages ng libro para sa akin.

Pero pagkatapos nun, nag-iba na ang takbo ng istorya. Di ko alam ano ang nangyari, pero tuloy-tuloy ko na syang binabasa. Pag minsan ay mararamdaman ko parin ang panandaliang inip. Tipong "jusko andami mong satsat Daniel walang kwenta ang sinasabi mo!", pero tulad ng alon sa dagat, hahampasin ulit ako ng isang matinding "feels" at madadala ulit ako sa dagat ng mapaglarong panulat ni Egay.

ShareThis

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...